Thursday, 26 September 2019

Mga Natutunan Sa Filipino 1


Ano ba ang wika?

Ang wika ay isang sistema ng mga sagisag na binubuo ng mga tunog o kaya ay mga pasulat na letra na iuugnay natin sa mga kahulugang nais nating ipabatid sa ibang tao.

Daluyan ng Pagpapakahulugan

1. Ang lahat ng wika ng tao ay nagsi,ula sa tunog.
2. Ang simbolo ay binubuo ng mga biswal, guhit, o hugis na kumakatawan sa isa o maraming kahulugan.
3. Kodipikadong pagsulat ang sistema ng pasulat tulad ng paggamit ng cuneiform o tableta ng mga sumerian.
4. Ang galaw ay tumutukoy sa ekspersyon ng mukha, kumpas ng kamay, at galaw ng katawan o bahagi ng katawan na nagpapahiwatig ng kahulugan o mensahe.
5. Ang kilos ay tumutukoy sa kung ano ang ipinahiwatig ng isang ganap na kilos ng tao tulad ng pag-awit, pagtulong sa tumatawid sa daan, at iba pa.

Gamit ng Wika

1. Gamit sa talastasan- Pasalita man o pasulat, ang wika ay pangunahing kasangkapan ng tao sa pagpapahayag ng kaisipan at damdamin.
2. Lumilinang ng pagkatuto- Ang nasulat na akda ay pinag-aaralan ng henerasyon, tulad ng pampanitikan at kasaysayan.
3. Saksi sa panlipunang pagkilos- mga wika ng mga rebolusyonaryo ang nagpalaya sa mga pilipino.
4. Lalagyan o imbakan- Ang wika ay hulugan, taguan, imbakan, o deposito ng kaalaman ng iasng bansa.
5. Tagapagsiwalat ng damdamin.-Ginagamit ang wika sa pagpapahayag ng naramdaman.
6. Gamit sa imahinatibong pagsusulat- Ginagamit sa paglikha ng tula, kuwento at iba pang akda.

Kategorya at Kaantasan ng Wika
 
Nahahati sa dalawang kategorya ang wika: Pormal at di-pormal.

Pormal- wikang kinikilala at ginagamit ng higit na nakakarami.
a. Ang mga opisyal na wikang pambansa at panturo ginagamit sa pamahalaan at mga aklat pangwika sa paaralan.
b. Ang wikang pampanitikan ay karaniwang ginagamit sa akdang pampanitikan.

Di-promal- wika na madalas gamitin sa pang- araw-araw na pakikipagtalastasan.
a. Ang wikang panlalawigan ay mga salitang diyalektal
b. Ang wikang balbal ang katumbas sa slang sa Ingle.
c. Ang wikang kolokyal ay mga alitang ginagamit sa pang-araw-araw na pakikipag-usap.

Ano Ang komunikasyon?

Ang komunikasyon ay isang proseso ng pagpapalitan ng impormasyon na kadalasan na ginagawa sa pamamagitan ng karaniwang sistema ng mga simbolo.

Antas ng Komunikasyon


  1. Intrapersonal - pakikipagusap sa sarili; pinakamababang antas; tumutukoy sa pakikipag-usap ng indibidwal sa sarili-sa kanyang replektibong pag-iisip, pakikinig sa sarili, pagbubulay-bulay, o kaya ay kapag pinakikiramdaman ang paggalaw ng sarili.
  2. Interpersonal - pakikipagusap sa ibang tao; pakikipagtalastasan sa iba't-ibang indibidwal.
  3. Pangorganisasyon - para sa mga grupo

Modelo ng Komunikasyon

Ito ang modelo ng Komunikasyon.
















Tatlong uri n komunikasyon

1. Ang Komunikasyong pabigkas ay nakabatay sa pabigkas o pasalitang tradisyon tulad ng ritwal ng pananampalataya.

2. Ang Komunikasyong pasulat nakabatray sa alpabeto, gramatika, o estruktura ng wika.
3. Pakikipagtalastasan sa pamamagitan ng kompyuter komunikasyon gamit ang email, chat, messanger, at social networking site.

Maikling kasaysayan ng Ating Pambansang pagpapalno sa Wika

Wikang Ingles wika nsa dinala ng mga mananakop na amerikano at ipinalaganap sa pambubliko.

Unang Yugto ng Wikang Tagalog ( tagalog- 1) unang pinangalanang wikang pambansa noong 1935.

Ikalawang Yugto ng Wikang Tagalog ( Tagalog- 2) ginawang isang pang-akademikong asignatura noon !940.
Unang Yugto Ng Wikang Pilipino ( Pilipino- 1)  ang pangalang Tagalog ay pinapalitan ng Pilipino noong 1959.
Ikalawang Yugto ng Wikang Pilipino ( pilipino- 2)  kung kailan pinanatili itong wikang opisyal at pang-akademuko ngunit tinanggalan ng katayuan bilang wikang pambansa noong 1973.

Ang Unang Wikang Filipino ( Filipino- 1) ang artipisyal na wika na balak buuin ng Konstitusyon noong 1973 at papalit s wikang Pilipino bilang wikang pambansa.

Ang Ikalawang Wikang Filipino ( Filipino-2) wikang pilipino ay muling kimikilala bilang wikang opisyal, pang- akademiko, at pambansa, at pinangalang " Filipino" ng konstitusyon ng 1987.











Lingguwistikong Komunidad ay kaisahan na tila may iisang mukha, wika, kilos, o tunguhin ang bawat kasapi.

 Mga Salik ng lingguwistikong komunidad

1.  May kaisahan sa paggamit ng Wika at Naibabahagi sa iba.
2. Nakapagbabahagi at may malay ang kasapi sa tuntunin ng wika at interpretasykn nito.
3. May kaisahan sa pagpapahalaga at palagay hinggil sa gamit ng wika.

Halimbawa:
1.  Sektor - mga manggagawa na malay sa kanilang karapatan at tungkulin sa bayan na nagbubuklod sa pagsapi sa kilusang paggawa.
2. Grupong pormal - Bible study group na nangangaral ng Salita ng Diyos.
3. Grupong impormal - barkada
4. Yunit - team ng basketbol; organisasyon ng mga mag-aaral sa paaralan

Multikultural Na Komunidad ay ang pagkakaisa sa gitna ng pagkakaiba.

Halimbawa:
1. Internasyonal - United Nations; UNICEF; at iba pa
2. Rehiyonal - European Union; ASEAN; at iba pa
3. Pambansa - mga bansa at estado na may iba’t ibang etnolingguwistukong pangkat tulad ng Pilipinas, Indonesia, Japan; at iba pa
4. Organisasyonal - Microsoftt; Google; Nestle; at iba pa

Sosyalek, Idyolek, Diyalekto, at Rehistro

Sosyalek ay uri ng wika na nililikha at ginagamit ng isang pangkat o uring panlipunan.  Ang idyolek naman ay amg natatangi’t espesipikong paraan ng pagsasalita ng isang tao. Samantala, ang diyaketo ay uri ng pangunahing wika na nababago, nagbabago, o nagiging natatangi dahil ginagamit ito ng mga taong nasa ibang rehiyon o lokasyon.


Mga Gamit ng Wika sa lipunan

Wika bilang instrumento nakatutulong sa tao upang mabusang makipag-ugnayan o makipagtalastasan sa kaniyang kapwa. Ito ay maaring gamitin upang ipahayag ang iba’t ibang layon, pakay, o tunguhin. Ito ay maituturing instrumental dahil natutugunan nito ang pangangailangan ng tao tulad ng sumusunod:

1. Pagpapahayag ng damdamin kaugnay sa pasasalamt, pag ibig, galit, kalungkutan, pagpapatawad, sigla, pag-asa, at marami pang iba;
2. Panghihikayat upang gawin ang kausap ang anis na tupdin o mangyari;
3. Direktang pag-uutos
4. Pagtuuro at pagkatuto ng maraming kaalaman at karungungan kapaki-pakinabang.

Ang bigkas-pagganap ay hangi sa teorya ni John L. Austin. Sa kaniyang teorya (1962), nahahati sa tatlong kategirya ang bigkas- tungong- pagganap:

1. Literal na pahayag o lokusyunaryo: Ito ang literal na kahulugan ng pahayag.
2. Pahiwatig sa konteksto ng kultura’t lipunan o ilokusyunaryo: Ito ang kahulugan ng mensahe batay sa kontekstong pinagmumulab ng nakikinig at tumatanggap nito.
3. Pagganap sa mensahe o perlokusyunaryo: Ito ang ginagawa o nangyari matapos mapakinggan o matanggap ang mensahe.

Ang Bisa ng Regulatoryong Komunikasyon sa lipunan

Ang regulatoryong bisa ng wika ay nagtatakda, nag- uutos, nagbibigay- direksiyon sa atin bilang kasapi o kaanib ng lahat o alinmang institusyong nabanggit.

Ang wika ay regulatoryo kung mayroon ito ng sumusunod na mga elemento:

1. Batas o kautusan na nakasulat, nakikita, nakalimbag, o inuutus nang pasalita
2. Taong may kapangyarihan o posisyon na nagpapatuoad ng kautusan o batas
3. Taong nasasaklawan ng batas na sumusunod dito
4. Konteksto na nagbibigay- bisa sa batas o kautusan tulad ng lugar, institusyon, panahon, at taong sinasaklawan ng bata.

Tatlo ang klasipilasyon ng wika ayon sa regulatoryong bisa 

1. Berbal ang tawag sa lahat ng kautusan, batas o tuntunin na binabanggit lamang nang pasalita ng pinuno o sinumang nasa kapangyarihan.
2. Nasusulat, nakalimbag, at biswal ang lahat nag kautusan, batas, o tuntunin na mababasa, mapapanood, o makikita na ipinatutuoad ng nasa kapangyarihan.
3. Di- nasusulat na tradisyon ang mahabamg tradisyon ng pasalin- saling bukambibig na kautusan, batas, o tintuning sinusunod ng lahat.

Interaksiyonal tungkulin ay tulungan tayong makipag-ugnayan at bumuo ng sosyal na relasyon sa ating pamilya, kaibigan, o kilala.

Mga halimbawa ng interaksiyon sa Internet

Dalawahan

1. E-mail
2. Personal na mensahe o instant message
Grupo

1. Group chat
2. Forum

Maramihan

1. Sociosite
2. Online store

Personal Bilang Pagkatao

Ang personal ay mula sa salitang personalidas. Nabubuo ang personalidas ng isang tao habang siya’y nagkakaisip at nagiging bahagi ng isang lipunan

Ayon sa mga sikolohistang sina katherine Briggs at Isabel Myers (1950) baty sa personality theory ni Carl Jung (1920), mayroong apat na dimensiyib ang ating personalidad:

1. Panlabas laban sa panloob - inilarawan kung paano nagkakaroon ng energiya.
2. Pandama laban sa Sapantaha - inilalarawan kung paano kamukuha ng impormasyon ang mga tao.
3. Pag-iisip laban sa Damdamin - inilalarawan ang paraan ng ginagamit ng isang tao sa pagdedesisyon
4. Paghuhusga laban sa Pag- unawa- inilarawan ang bilis ng pagbuo ng desisyon ng isang tao.

Maikling sanaysay

Ang sanaysay ayon kay Alejandro G. Abadilla ay “ nakasulat na karanasan ng isang sanay sa pagsalaysay. Ang maikling sanaysay ay naglalaman ng sariling pananaw ng may- akda at nasa puntodebisata ng manunulat.

Halimbawa:

* Biograpiya - talambuhay na nagsasaad ng kasaysayan ng buhay ng isang tao hangi sa mga tunay na tala, pangyayari, at impormasyon
* Awtobiograpiya - talambuhay na isang tao na siya mismo sumulat
* Alaala - salaysay o kuwento ng buhay na pinagdaanan
* Sanaysay o tala ng paglalakbay - pasalaysay na paglalarawan ng mga lugar na nabisita o na puntahan
* Personal na sanaysay - pagsasalaysay ng mga personal na pangyayari sa buhay
* Blog - isang webpage o online na dyornal na maaaring ma- access ng madla

Ang wika bilang daluyan ng imahinasyon

Ang imahinatibong wika ay ginagamit sa paglikha, pagtuklas, at pag- aliw.

Gamit ng wika sa imahinatibong panitikan

1. Pantasya
2. Mito
3. Alamat
4. Kuwentong- bayan
5. Siyensiyang piksiyon

Ang siyensiyang piksyon ay ang panitikan ng tao na dumaranas ng pagbabago, maaring ito’y sa pamamagitan mg siyentipikong pagtuklas, pagbabago sa teknolohiya, o natural na pangyayari, maging pagbabago sa lipunan.

Heuristiko at Presentatibo

Ang Heuristiko (Heuristic) ay paraan ng pag-aaral o paglutas ng problema na kung saan ginagamitan ng (common sense). Hindi ito nangangailangan ng ebidensya dahil ito ay nakasalalay sa mga karanasan at malinaw na paggamit ng lohika. Ang Representatibo ay paraan ng pagpapakita ng impormasyon na may layuninng ipakita sa mas malinaw na paraan.

Ang apat na yugto tungo sa maugnaying pag-iisip
A. Paggamit ng sintido – ang pinakaraniwang paraan ng pag-iisip at pangangatwiran.

B. Lohikal na Pag-iisip
*  Lohika ayun sa pangangatwiran o Argumento – higit pa sa sanhi at bunga
*  Lohika ayun sa pagkasunod-sunod –kasama rin sa lohikal na pag-iisip ang pagtukoy sa pangkasunod-sunod ng mga pangyayari o proseso.
*  Lohika ayun sa Analisis
a.    Hinuhang pangkalahatan –Tesis na kailangan patunayan
b.    Hinuhang pambatayan –batayn muna bago ang konklusyon

C. Kritikal na Pag-iisip
*  Masuring pagtuloy sa kapaligiran ng suliranin 
* Pagsusuri, pag-uuri at pagpuna
* Paglalatag ng alternatebo
*  Maugnaying pag-iisip –pinakamataas na antas ng pag-iisip.

Halimbawa :
·         Repleksiyon
·         Interpretasyon
·         Pananaliksik na multidisiplinaryo
·         Pananaliksik na interdisiplinaryo

Ang Powerpont Presentation ay isang paraan ng paglalahad ng impormasyon. Ginagamit ito upang maging organisado at presentable ang mga impormasyong ilalahad sa kausap o tagapakinig.
Mga Pananda para sa kohesyong gramatikal

 Ginagamit upang hindi paulit-ulit ang mga salita at maging maayos ang daloy nito.

1.    Anapora –ang panghalip na tumutukoy sa naunang nabanggit na pangngalan o paksa.
2.    Katapora –ang panghalip ay unang ginagamit sa pangungusap bago ang pamgalan o  paksang tinutukoy.
3.    Pangatnig –ginagamit para maging magkakaugnay ang mga ideya.
4.    Panandang salita –pagbibigay-diin, naglilinaw, at pumupunlaw ng atensiyon ng tagapakinig.

Wikang Filipino at Mass Media

Pangmasang media, pangmadlang media, o mass media ang tawag sa pinakamaimpluwensiyal at masasabi ring pinakapangyarihang institusyon sa ating lipunan. Ang media ay isang institusyong panlipunan tulad ng pamilya, paaralan, simbahan, at pamahalaan na ang natatanging tungkukin ay maging tagabantay, tagamasid, taga -ulat ng pangyayari sa lipunan, maging tinig ng mamamayan, at tagapagbatid ng mensahe sa kinauukulan.

Radyo - Ang media ng masa


Ang mga programa sa radyo ang pinakamalawak at may pinakamaraming naabot na mamamayan dahil higit 600 ang mga estasyon ng radyo sa buong Pilipinas. Pinakamura kasi itong kasangkapan sa bahay kumpara sa telebisyon o ibang media gadget.

Uri ng palabas

A. Tanghala/ teatro



Ang panonood ay maaring panonood ng pagtatanghal bilang palabas na umaarte ang mga tauhan

B. Pelikula



Tulad ng panonood sa teatro, nanonood tayo ng kwento sa pelikula. Ngunit, kaiba sa teatro, nauna na ang pagtatanghal o pag- arte ng mga tauhan na nairekord gamit ang kamera.

C. Telebisyon



Ang telebisyon naman ang midyum samantalang ang mga programa sa telebisyon ang palabas.

D. YouTube



Ang mga personal na video ng mga tao’y maaring i-upload sa Internet sa pamamagitan ng YouTube o maari ding sa ibang video site.







No comments:

Post a Comment